Featured Post

God not my will but let Your will be done

Mga de lata, tinanggalan ng label ng isang netizen para daw surprise ang kakainin niya

larawan mula sa Facebook acount ni Ruzty Lex Ferrer at Pexels Trending sa social media ang mga delata na walang label Tinanggalan daw talaga ito ng isang netizen para surpresa ang kanyang mga kakainin Maraming netizens din ang natuwa sa post na ito at ang iba ay humugot pa Kapag gusto ng makakain at hindi na kailangan pa ng matagal na lutuan, marami sa atin ang nagbubukas na lamang ng mga canned products o de lata. Ready-to-eat na kasi ang mga ganitong uri ng pagkain at maaari na lamang initin o dagdagan ng kaunting ingredients upang sumakto sa ating panlasa. Ilan sa mga madalas nating bilhing de lata ay corned beef, sardinas, luncheon meat, at tuna. Ngunit trending ngayon ang isang netizen matapos bumili ng mga delata at tanggalin ang mga label nito. Ayon sa kanya, may espesyal siyang dahilan kung bakit mas pinili niyang tanggalin ang label ng mga delata na ngayon ay magkakamukha na ang hitsura.


Ayon sa Facebook post ng netizen na si Ruzty Lex Ferrer, gusto niya raw kasing bigyan ng ‘surpresa’ ang kanyang sarili sa tuwing kukuha ng delata sa imbakan nila ng pagkain. Gusto niya raw na sa bawat kuha niya ng isang lata ay hindi niya alam kung anong pagkain ang nasa loob nito.
“Gusto ko kasi ma-surprise sa uulamin ko. Kaya binalatan ko lahat ng delata. Hahahaha. Yung tipong ‘magluluto ako ng corned beef, ay sardinas pala’,” caption ni Ferrer sa kanyang post kasama ang larawan ng ilang de lata na wala na ngang label. Nagpahabol pa ng komento si Ferrer sa kanyang sariling post. Isinalaysay niya ang naging reaksiyon ng kasama niya sa bahay nang makita ang mga nabalatang de lata. Ayon sa kanya, nabatukan daw siya ng kasamahan niya dahil mahihirapan daw sila ngayong hulaan kung anong klaseng de lata ang nasa food cabinet. Bentang-benta naman sa mga netizens ang kakaibang ‘trip’ na ito ni Ferrer. Habang isinusulat ang balitang ito, mayroon nang 30,000 reactions ang post na majority ay ‘haha.’ Umaani na rin ng maraming shares ang nasabing post na sa kasalukuyan ay nasa halos 40,000 na. Kanya-kanyang tag naman ang mga netizens sa kanilang mga kaibigan na gugustuhin din ang ganitong klase ng paandar sa oras ng pagkain. Sabi nila, isang kakaibang paraan daw ito para bigyan ng surpresa ang sarili.




Friend, dapat ganito ang gawin sa mga de lata sa lagayan n’yo ng pagkain. At least ‘di ba, may thrill sa bawat bukas n’yo ng lata. Para kayong kasali sa pera o kahon ni Kuya Will,” biro ng isang netizen na nag-share sa kanyang kaibigan.
Ang isang netizen naman ay idinaan sa hugot ang pagkaaliw sa mga de latang wala nang label. Para daw itong relasyon niya ngayon, sweet-sweetan pero wala naman talagang label.
Source :

Comments