Featured Post
- Get link
- X
- Other Apps
-

Isang matandang lalaki ang nadiskubreng patuloy na naninirahan sa Taal Island sa kabila ng nakaambang panganib ng Taal Volcano -Samantala, ayon naman sa matandang lalaki, mayroon itong mga anak sa Maynila na basta na lang umano siyang iniwan -Dahil dito, nabigyan ito ng pagkakataon na manawagan sa mga ito sa pamamagitan ng social media -Anito, hindi naman niya hinihiling na kuhanin siya ng mga anak ngunit humiling ito ng tulong sa mga ito Isang matandang lalaki ang nadiskubreng patuloy na naninirahan sa Taal Island sa kabila ng nakaambang panganib dulot ng Taal Volcano. Nakilala itong si Eusebio Cacao, 68-anyos, mula sa Talisay Batangas. Ayon sa panayam dito ng Abante nitong Linggo, Enero 19, matagal na raw itong naninirahan sa Taal Island. At kahit pa nga kamakailan lang ay nag-alboroto ang Taal Volcano, hindi na raw ito lumikas. Naniniwala ito na hindi na puputok pa ang bulkan kahit pa sinabi ng mga awtoridad na patuloy ang aktibidad ng bulkan at anumang oras o araw ay maaaring pumutok. Samantala, nabigyan naman ito ng pagkakataong manawagan sa mga anak na basta na lang umano siyang iniwan. Ayon dito, mayroon itong mga anak sa Maynila ay mayroon ding anak sa Japan. “Dun sa mga anak kong umalis na hindi man lang ako nilingap, para bagang damit lang ako na iniwanan sa bahay. Umalis sila nang walang pasubali; hanggang sa ngayon, hindi ko malaman kung nasaan," ayon kay tatay Eusebio. “Marites, Maricar, saan man kayo naroroon, pumunta kayo dito’t dalawin naman ninyo ako. Naluluha ako sa ginagawa ninyo sa akin e, parang hindi ninyo ako magulang,” dagdag nito. Hindi raw nito hinihiling na kuhanin siya ng mga anak bagkus ay dalhan lamang siya ng pagkain. At kahit na gusto raw nitong puntahan ang mga anak sa Maynila ay hindi raw nito magawa dahil wala itong pera .

Comments
Post a Comment